<

Ano ang dapat gawin kung tinatamad kang magtrabaho?

 

 

 

1.Huwag aabsent.

2.Huwag male-late.

3.Pagkaupo mo sa iyong lamesa, buksan isa-isa ang drawer at magkalkal.
 Kunwari ay may hinahanap.

4.Pagkatapos mong magkalkal, tumayo ka at tunguhin ang mga filing  cabinet. Maghanap ka ng ipis. Kung wala kang mahanap, tingnan mo ang iyong incoming & outgoing  tray. Kalkalin at maghanap ng mga natira sa iyong mga kinutkot kahapon.Huwag kakainin muli. Labag sa kagandahang asal. Kung naglalaway ka sa mga iyon ay kunin mo ang nagamit mong tissue paper na nailagay mo      sa iyong front drawer at ipunas sa laway mo. Pagkatapos ay ilagay muli sa drawer. Maaari mo pang magamit iyon bukas. Malaking katipiran sa iyo.

 5.Kung biglang dumating ang iyong boss, hawakan kaagad ang telepono at
 magsalita. Kunwari ay tinatanong ka ng iyong kausap tungkol sa mga
 dokumento. Sumagot ka ng "Oh! I am sorry but I will bring that to your
 office immediately." Kumuha kaagad ng kahit anong folder at magpaalam
 ng maayos at buong giliw sa iyong boss. Lumabas ng nagmamadali.

 6.Pumunta ka sa CR. Magsuklay. Tingnan mabuti ang sarili. Mag-retouch
  kung babae. Tingnan kung baligtad ang underwear na naisuot at kung
  lalaki, maghilamos at basain ng konti ang buhok. Magtiris ng mga
 taghiyawat. Magtagal ng mga limang minuto.

 7.Pagkabalik mo sa iyong opisina, buksan ang computer. Hintaying matapos
 ang Auto Scan. Marami ring minuto ang magugugol dito. Magbukas ng
 isang file... Isa pa... at isa pa uli...!!! Pumunta sa ccmail, tingnan ang inbox
 kung may hindi pa nababasa. Magbasa. Kunwari ay bagong pasok ka
 lamang sa Grade One.

 8.Pagkatapos ay kunin ang mga dapat gawing report. Titigang mabuti.
 Pag-aralan ang klase ng papel na ginamit. Bilangin kung ilang words ang
 nagamit.
            

9.Kung may tumawag sa telepono, kaagad sagutin. Huwag mong hayaang
 ibaba kaagad ng kausap. Kumustahin. Tanungin tungkol sa mga National
 Issues katulad ng tungkol sa mga jokes kay Erap o kaya ang pagkamatay
 ni Princess Di. Kumustahin din ang latest style ng kanyang damit pati na
 kung saan nagpapa-manicure at pedicure. Huwag lalagpas ng isang oras
 ang pakikipag-usap. Magagalit ang iyong boss.

 10.Kung may report na tatapusin, tapusin ng eksakto sa deadline hour. Kung
  may ita-type, magtype ng 10 wpm.

 11.Tunguhin ang mga file na inipon sa loob ng ilang araw. Ayusin isa-isa
  habang ini-imagine ang sarili na sumasahod ng 25,000 pesos isang buwan.
 Huwag tatapusin. Magtira ng para sa ilang araw na gawain.

12.Palaging magtungo sa CR. Kunwari ay may LBM. Palagi ring bumisita sa
 ibang department, makipagchikahan.

13.Huwag mong titingnan ang iyong relo habang ginagawa mo ang lahat ng
 nasa itaas. Kapag ginawa mo iyon ay lalo kang maiinip. Hayaang
 mag-enjoy ang sarili sa iyong katamaran. Magugulat ka na lamang na
 "time" na pala para umuwi.

 14.Ayusin ang lamesa na para bang napakarami ng iyong trinabaho. At bago
 umuwi, dumaan ng CR. Tingnan at hipuin ang mukha kung gaano kakapal.
  Huwag pansinin ang mga kasamahan na mula umaga ay tingin ng tingin sa
 iyo. Hindi naman sila ang nagpapasuweldo.

 


Rectangle

 

Home  |  CyberPinoy  |  Showtime

 Tip Off   |  StayFree

 

(c)1999 chrysleer online